Sunday, February 28, 2010
Sa huli
Natatapos din ang lahat. Di mo na kailangan pang gumawa ng kahit ano. Dahil darating rin ang araw na malalaman mo ang totoo. Makikinig ka sa kanya at matatanto mo. Minahal mo lang pala ang ilusyon niya, dahil sa buong panahong kilala mo siya, puro sakit lang ang nailapat niya. Bakit pa hihingi ng pag-asa kung wala naman nang mahihita? Matatawa ka na lang kasi hindi pala siya yun. Sabi nila manloloko daw siya, di kayang magseryoso. Pero di ka naniwala at patuloy pang umasa. Paano kung magbago siya diba? Pero sa huli, mamumulat ka rin sa katotohanan. Oo, manloloko siya at di talaga seryoso. Umasa ka sa pagbabago. Nangyari nga yun. Pero ikaw ang nagbago, malaya ka na. Di mo na siya mahal.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment