Monday, August 20, 2012
Minsa'y naisip ko
Yung mananatiling isang sikreto ang isang bagay. Ayoko yun. Ayokong nananatiling nakatago ang isang bagay na naguugnay sa dalawa o higit pang mga tao. Ninanais ko laging ito’y isiwalat, upang maiwaksi ang pagdududa mula sa aking isipan. Ito ang nag-uudyok sa akin na gawin ang mga bagay na hindi ko sana magagawa kung nanatili akong nakakubli at nakakulong sa takot na makasakit o di kaya’y masaktan. Minsa’y tapang ito na mapait ang lasa sa aking lalamunan. O kaya’y walang tigil na pagbuhos ng luha habang nanonood ng isang komedya. O kaya’y isang malalim na buntong-hininga, na nagsasabing natapos na ang unos, wala ka nang dapat ikatakot. Ngunit lagi’t lagi, ang kaba’y mawawala, ang lihim ay masisiwalat, ang takot ay magiging ginhawa. Marahil isang napakaramot at makasariling paniniwala ito. Ngunit walang sikreto ang nananatiling sikreto. At ang pananakit ay pananakit, lihim man ito at tago. Mas malalim ang latay ng sakit na mula sa isang bagay na sinubukang ibaon sa sikreto at pinilit limutin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment