Thursday, October 11, 2012

Isang Umaga

May mga pagkakataong marami kang nais sabihin. Mga bagay na dapat mong banggitin upang malinawan rin ang sarili. Ngunit minsa'y naiiwan ang mga salita sa lalamunan. Kumakapit ang bawat hibla nito upang hindi na maibuga ang nais sabihin. Para bang mekanismo upang hindi maubos ang sarili at may matira kahit konti.

Pero paano kapag sadyang hindi sapat ang nasambit? Paano kung may pagkukulang ang nasabi? Paano kung ang parehong mga hibla ang nagpapakati sa lalamunan? Paano maibabalik ang sandali na pinaglalaanan ng mga salita?

Ang pagsasabi ay pagpapatotoo ng mga bagay. 

Sana sinabi ko na. 

No comments:

Post a Comment