Monday, July 25, 2011

tampisaw


ibabato natin ang ating mga pangarap,
sa tabing-dagat ng ating mga buhay.
panonoorin natin kung paano,
ang pagtatampisaw ng ibinato,
doon sa kawalan, sa walang kasiguruhan.
kinabukasan, ang pagbabalik,
ng mapaglarong magkaibigan.
magbabato muli ng pangarap,
at makikipagpustahan sa kapalaran. 

No comments:

Post a Comment