Friday, August 12, 2011

habagat

kapag sa iyong pagmulat
ako'y wala na
ni bakas ng aking yapak o paghinga,
di mo na makita
asahan mong iyong dadanasin
ang hirap ng delubyong paparating
hindi madali
hindi basta lamang
hirap ito na kailangan madama
upang sadyain nang matutunan
ang tamang pakitungo
mawawala ako at maiiwan kayo
mangangapa

No comments:

Post a Comment