Sunday, October 30, 2011

Kasunduan

Lumipas na naman ang isa pang araw. Ni hindi ka nasilayan, ni hindi narinig ang iyong tinig. Isa na namang araw na matumal sa ngiti, sa tawa, at sa pagkislap ng mga mata. Saan ka nga ba kasi naglalagi? Bawat araw, natatakot ako sa maaaring mangyari. Wala naman sa akin ang kontrol. Hindi ko hawak ang panahon. Ang akin lamang ay ang iyong pagtupad, sa mumunting usapan na namagitan sa atin nung isang gabing bilog ang buwan.

No comments:

Post a Comment