Monday, October 3, 2011

Bahagya

Naisip kong saglit lamang ang kasiyahan sa mga gabing tulad nito.
Gumuhit ako ng linya diyan sa palad mo.
Bukas, makalawa, limot mo na ang pangalan ko.
Sa isang daang sasanga, maaaring doon tayo magkatagpong muli.
Ngunit sa pagkakataong ito, isa na lamang tayo sa mga malabong larawan na nasa kasuluksulukan ng ating mga isipan.
Maaari tayong ngumiti, ngunit sa huli'y guguluhin tayo ng isang ideya.
Bakit nga ba siya pamilyar sa gunita?
At maaalala mong bahagya, ang isang gabing naging masaya.
Hindi naman dahil sa kanya, pero alam mong nandun siya.
Magugulat ka na lang, kanya palang kamay ang hawak mo noon.
At matatawa kang ganun lang pala kadaling lumimot ang isipan mong pagod.
Buti na lamang at hindi ang 'yong puso, ang nahawakan niya noon.

No comments:

Post a Comment