Dinampot kong muli ang lapis. Dumampi ang dulo nito sa papel. Ano nga ba ulit ang imaheng nais iguhit? Naroon ang larawan natin noong minsang naglakad tayong paikot sa tagpuan natin nung tayo'y maliit pa. Nasa sulok ng gunita. Nais kong isapapel ang isang alaalang napakadaling iwaksi sa puso, sa isipan. May pait ang pagguhit. May daplis ng luha ang papel. Ngunit ipagpapatuloy lamang ang nais gawin.
Matatapos ang larawan, mahaba ang prosesong pinagdaanan. Niluma ng mga patak ng luha ang papel. Ngunit ang nilalaman nito'y tila kahapon lamang dumating. May hibla ng kirot ang bawat paghampas ng linya, nakatago sa pagkilala sa dilim at liwanag.
No comments:
Post a Comment