Tuesday, May 29, 2012

Gusto mo ba malaman kung gaano kadalas sumasagi sa isip ko ang kausapin ka at buksan ang pinto sa pagitan natin na unti-unti nang sumasara? Halos araw-araw. Araw-araw kong iniisip kung paano na tayo sa darating na taon. Maayos pa ba 'to? Masasagip pa ba 'to? Kailan ba tayo makakapagusap ulit ng masinsinan? Yung hindi impersonal na bagay ang sasambitin natin. Yung hindi peke ang mga ngiti. Natatakot ako na hindi ko na ito mababalikan. Natatakot akong matatapos na ito. Hindi naman natin siguro kailangan yung bumalik tayo sa dati. Sana kahit bumalik lang tayo sa isa't isa. Yun, pwede na. Nangungulila ako. Kinakatakot ko rin kasing pinagpalit mo na ako. O nahuli na ba yung takot ko at napalitan mo na ako?
Nagpapasalamat akong may mga larawan akong naitago na katibayan na minsan, sa isang punto ng ating mga buhay, naging malapit tayo sa isa't isa. Nagpapasalamat akong hindi lang pala sama ng loob ang naitago ko mula sa ugnayang ito. At nagpapasalamat akong nalaman kong pinapahalagahan ko pa rin ito.

No comments:

Post a Comment