Sunday, July 29, 2012

Bulong

Narinig ko na naman ang boses mo. May sinasabi ka. Sinasagot mo yata yung mga salitang nauna kong bitiwan. Nakakatakot marinig yung sinasabi mo. May mga salitang hindi ko gustong lumabas mula sa mga labi mo. Pero sa pagsambit ng mga salitang sinabi ko, hinayaan ko na naman ang kapalaran na tangayin ako sa kung saan. Sumusugal na naman ako. At alam ko naman na mas malaki ang posibilidad na yung ayaw ko ang marinig ko. Pero 'di na bale. May mga bagay talagang ipapaubaya mo na lang sa hangin. Magpapadala ka na lang sa agos. Dahil minsan, kailangan mong bumitaw at hayaang mangyari ang dapat mangyari.

No comments:

Post a Comment